Fan ni Pacquiao inatake sa puso, todas
November 21, 2006 | 12:00am
CAMP VICENTE LIM, Laguna Hindi na makakapalakpak pa ang isang masugid na tagahanga ni boxing champ Manny "Pacman" Pacquiao matapos atakihin ito sa puso at mamatay habang nanonood ng laban ng kanyang idol sa satellite feed television noong Linggo sa Sta Cruz, Laguna.
Kinilala ni P/Chief Inspector Joriz Cantoria, police chief ng Sta Cruz PNP, ang biktimang si German Asuncion, 54, ng Hillside, Los Baños, Laguna at opisyal ng Kintanar Detective Security Agency.
Isinugod si Asuncion sa Laguna Provincial Hospital matapos makaramdam ng pananakit ng dibdib, subalit namatay din ito ilang minuto lang ang nakakalipas.
Ayon sa imbestigasyon, si Asuncion ay kabilang sa mga manonood ng live satellite feed ng Manny Pacquiao-Erik Morales fight sa Robin Louise Restaurant na sakop ng Barangay Bubukal nang atakihin sa puso bandang ala-1:10 ng hapon.
Sa pahayag ni Cris Sanji, Laguna Public Information Officer, na isa rin sa mga nanood ng boksing sa nasabing restaurant ay wala umano silang napansing komosyon habang nanonood dahil sa umaalingawngaw na hiyawan at palakpakan noong napabagsak ni Paquiao ang kalaban.
"Hindi ko napansin na may inatake na pala sa puso kasi sa sobrang ingay at tuwa ng mga tao," dagdag pa Sanji na nagbayad ng P500 para sa entrance ticket.
Nagwagi si "Pacman" nang pabagsakin nito sa third-round ang Mexicanong si Erik "El Terible" Morales, ilang segundo na lang ang nalalabi bago matapos ang round. (Arnell Ozaeta)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest