Trader patay sa 3 holdaper, 4 pa sugatan
November 20, 2006 | 12:00am
Patay ang isang negosyante nang pagbabarilin ng isa sa tatlong armadong holdaper matapos na pumalag habang apat pang pasahero ang nasugatan sa madugong bus holdap sa kahabaan ng national highway sa bayan ng Monkayo, Compostella Valley, kamakalawa.
Dead-on-the-spot sa insidente ang biktimang kinilalang si Bonifacio Labrador, kabilang sa mga pasahero ng bus matapos na mapuruhan ng mga tama ng bala ng M-16 rifle.
Ang mga nasugatang pasahero ay mabilis namang isinugod sa Montevista District Hospital para malapatan ng lunas.
Batay sa ulat, naganap ang panghoholdap dakong alas-12 ng hatinggabi habang bumabagtas ang Bachelor bus na may body number 4432 at minamaneho ni Vicente Timtim sa kahabaan ng Km 114 sa Brgy. Olayon, Monkayo.
Ayon sa imbestigasyon, ang bus ay galing sa Butuan City at patungong Davao City nang sumakay ang mga suspek sa bahagi ng Amarille Carindera sa Poblacion at nagpanggap na mga pasahero. Pagsapit sa nasabing lugar ay agad na inilabas ng mga suspek ang kanilang M-16 rifle at dalawang kalibre. 38 revolver saka nagdeklara ng holdap.
Isa-isa ng mga itong nilimas ang mga alahas, pera at cellphone ng mga pasahero kabilang ang P16,000 cash na nakolekta ng mga holdaper sa konduktor ng bus.
Nanlaban naman ang biktima na tumangging ibigay ang kanyang pera, alahas at cellphone kaya niratrat ng M -16 rifle ng isa sa mga holdaper na nagresulta rin sa pagkasugat ng ilan pang pasahero sa tabi nito. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended