Drug bust: Anak ng mayor, 5 pa tiklo
November 19, 2006 | 12:00am
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City Anim-katao kabilang na ang anak ng alkalde na pinaniniwalaang mga tulak ng droga ang naaresto ng pulisya sa isinagawang drug bust operation kamakalawa sa loob ng Moraville Hotel sa Barangay Mabuto, Naga City, Camarines Sur. Kabilang sa mga kinasuhang suspek na ngayon ay nakapiit ay nakilalang sina Allen Canet, anak ni Bula Mayor Rolando Canet; mga kasamahang Rizalino Talagtag, Dennis Abuis, Rodel Endicio, Elmer Dayondato at Wendell Cariso. Nakumpiska sa mga suspek ang 10 maliit na pakete ng shabu, isang baril at P.3 milyon na pinanininiwalaang mula sa pinagbentahan ng droga, ayon kay P/ Inspector Julius Ablang ng Phil. Drug Enforcement Agency (PDEA). Nagtangka pang tumakas at lumaban ang dalawang suspek, subalit agad namang nasakote sa harapan ng medical clinic sa kahabaan ng Mayon Avenue. (Ed Casulla)
QUEZON Hindi inalintana ng isang obrero ang kasagraduhan ng simbahan nang saksakin nito at mapatay ang matagal ng kaalitang kabaro sa compound ng simbahan sa Barangay Bukal Sur, Candelaria, Quezon kamakalawa ng gabi. Napuruhan sa tiyan ang biktimang 22-anyos na si Joey Evangelista, samantalang nadakip naman ang suspek na si Edgar Cruzat, 24, kapwa residente ng Purok Manggahan, Sitio Taguan ng naturang barangay. Sa imbestigasyon ni SPO1 Domingo Cristal, nagkasalubong ang dalawa habang ipinagdiriwang ang ika-25 anibersaryo ng kanilang barangay at palibhasa kapwa senglot ay naungkat ang kanilang matagal ng alitan hanggang sa magkasuntukan at mauwi sa pamamaslang. (Tony Sandoval)
CAVITE May posibilidad na napagtripang makita si kamatayan ng isang 29-anyos na adik sa rugby kaya nagdesisyong magbigti sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Santa Fe, Dasmariñas, Cavite kamakalawa. Ang biktimang huling namataang buhay na nakaupo sa sala ay nakilalang si Robert Carbonel ng Block 0 Lot 36 Biglang Sibol sa nabanggit na barangay. Ayon kay PO3 Edgar Belza, inamin ng lola ng biktima na gumagamit ng rugby ang kanyang apo at hindi na mapigil. May teorya ang pulisya na sumobra ang pagsinghot ng rugby kaya napagtripan ng biktima na mag-suicide. (Cristina Timbang)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended