^

Probinsiya

Apo ng gobernador timbog sa kasong murder

-
CAVITE – Arestado ng PNP-Special Operations Group (SOG) ang 32-anyos na apo ni Cavite Governor Ireneo "Ayong" Maliksi na may kasong murder sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad sa bahay ng kanyang kaibigan sa bayan ng Imus, Cavite kamakalawa ng umaga.

Ang suspek na tumanging makipag-usap sa mga mamamahayag sa Camp Pantaleon Garcia sa bayan ng Imus ay nakilalang si Benedict Maliksi Jr. ng Barangay Zapote, Bacoor, Cavite at miyembro ng Civil Security Unit (CSU).

Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Matias Garcia, presiding judge ng Regional Trial Court (RTC) Branch 14, dinakip ang suspek na isinasangkot sa pagpatay sa biktimang si Cora Aguillon, coordinator ng Citizen Crime Watch kamakailan.

Ayon sa ulat, naitala ang operasyon bandang alas-5:30 ng umaga matapos na pasukin ng mga operatiba ng SOG ang bahay ng kaibigan ni Maliksi sa Barangay Kalsadang Bago sa pangunguna ni P/Supt. Leo Francisco.

Nakumpiskahan ng dalawang baril na walang lisensya ang suspek matapos na salakayin ang nasabing bahay, ayon kay P/Senior Supt. Benjardi Mantele, provincial director. (Arnell Ozaeta)

ARNELL OZAETA

BARANGAY KALSADANG BAGO

BARANGAY ZAPOTE

BENEDICT MALIKSI JR.

BENJARDI MANTELE

CAMP PANTALEON GARCIA

CAVITE

CAVITE GOVERNOR IRENEO

CITIZEN CRIME WATCH

CIVIL SECURITY UNIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with