MILF-JI bombers utak sa SORA bombing
November 15, 2006 | 12:00am
CAMP CRAME Tinukoy kahapon ng pulisya ang malaking posibilidad na ang mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na sinanay ng mga Jemaah Islamiyah (JI) terrorist ang responsable sa naganap na pambobomba sa SORA (State of the Region Address) ni ARMM Governor Zaldy Ampatuan kamakalawa na ikinasugat ng isa katao.
Ayon kay Police Regional Office (PRO) 12 Director Chief Supt. German Doria, ang lead sa kasong ito ay masusi nilang iniimbestigahan.
Sinabi ni Doria na isang terror act ang pangyayari na pinaniniwalaang bahagi ng resbak ng grupo sa pagkakaaresto kay Commander Blah Platon, pinaghihinalaang JI trained bomber sa Tacurong City, Sultan Kudarat kamakalawa.
Partikular na tinukoy ng opisyal na bago naganap ang pagpapasabog sa SORA ng gobernador ay nasakote si Platon ng mga awtoridad sa lungsod ng Tacurong.
Si Platon ay isang opisyal ng mga rebeldeng MILF na pinaniniwalaang sinanay ng JI sa paghahasik ng terorismo kung saan patuloy itong isinasailalim sa masusing tactical interrogation ng mga awtoridad.
Nitong Lunes habang nagtatalumpati si Gov. Ampatuan sa compound ng ARMM sa Cotabato City nitong Lunes ay niyanig ito ng pagpapasabog ng 60MM mortar bandang alas-2:10 ng hapon na ikinasugat ng sibilyang si Ali Lumpingan habang nawasak naman ang bakuran ng sibilyang si Haron Bansuan. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
19 hours ago
Recommended