5,000 nabiyayaan sa feeding program
November 14, 2006 | 12:00am
OLONGAPO CITY Aabot sa 5,000 residente mula sa maralitang pamilya sa nabanggit na lungsod ang nabiyayaan ng libreng pagkain sa magkasabay na feeding program at medical mission na isinagawa nina City Councilor Atty. Noel Y. Atienza at Olongapo City Vice Mayor Rolen C. Paulino.
Kabilang ang mga Barangay ng Sta. Rita, Barretto, Mactan, Banicain at Iram ang tinungo nina Atty. Atienza at Vice-Mayor Paulino sa ginanap na medical mission sa pakikipagtulungan ng Phil. Charity Sweepstakes sa pangunguna ni Dr. Feliciano Legrido.
Matapos ang pagpapakain at medical check-up ay namahagi naman ng relief goods tulad ng bigas, mga delata at noodles sina Atienza at Paulino sa mga residente na sapat para sa isang araw na pagkain.
Ayon kay Paulino, ang free medical check-up ay bahagi ng kanilang programa ni Atty. Atienza na makatulong sa mga residente ng Olongapo City kung saan itinaon din ang isinagawang programa bilang regalo sa kaarawan mismo ni Atienza noong nakaraang Sabado.
Binigyang linaw ni Vice Mayor Paulino na ang pondo sa mga nabanggit na proyekto ay mula sa sariling bulsa at sa tulong na rin ng mga kaibigan upang abot-kamay silang makatulong sa mga nangangailangan. (Jeff Tombado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended