^

Probinsiya

Coed pinilahan ng 5 schoolmate sa motel

-
CAINTA, Rizal – Arestado ang apat sa limang lalaking estudyante makaraang halinhinan umanong gahasain ang isang magandang estudyante na kanilang naging kaklase sa loob ng isang motel sa Brgy. Sto. Domingo ng bayang ito kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Raffy Crisostomo, 22, Bryan Joseph Pascual, 23, Frank Climaco at Rex Jotero, habang pinaghahanap pa ang isa na si Joel Bernil, pawang Criminology students ng ICCT College sa nasabing bayan.

Ang apat na suspek ay kasalukuyang nakapiit sa Cainta detention cell matapos na ireklamo ng biktima na itinago sa pangalang Liway, 18, dating kaklase ng mga suspek.

Ayon kay Supt. Joel Crisostomo Garcia, hepe ng Cainta Police, naganap ang panghahalay sa biktima dakong alas-2 ng madaling-araw sa loob ng Adrian Apartelle na matatagpuan sa kahabaan ng Felix Avenue ng nasabing barangay.

Nauna dito, nagpunta ang biktima kasama ang isa pang 18-anyos na kaibigang babae sa nasabing eskuwelahan upang dalawin ang isang kaibigang nagngangalang Shane ngunit habang papaalis na ay nakita sila ng mga suspek ng isa sa mga ito na kanila namang pinaunlakan. Subalit nang malasing ang dalawang babae ay dinala ng mga suspek sa nasabing motel at kumuha ng magkahiwalay na kuwarto.

Gayunman, nakuhang makapalag at makatakbo ang isang babae sa ibang suspek kaya ang biktima ang pinagbalingan at halinhinang gahasain.

Nagawa lang makatakas ang biktima nang makatulog ang mga suspek at nagpatulong ito sa isang taxi driver na siyang nagdala sa kanya sa presinto.

Nasakote naman sa isinagawang follow-up operation ng Cainta Police ang apat na suspek at pinaghahanap pa ang isa nilang kasamahan. (Edwin Balasa)

vuukle comment

ADRIAN APARTELLE

BRYAN JOSEPH PASCUAL

CAINTA POLICE

EDWIN BALASA

FELIX AVENUE

FRANK CLIMACO

JOEL BERNIL

JOEL CRISOSTOMO GARCIA

RAFFY CRISOSTOMO

SUSPEK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with