Suspect sa cashier slay nasakote

CAVITE – Bumagsak sa kamay ng pulisya ang pangunahing suspek sa pagpatay sa isang 20-anyos na kolehiyala na naging kahera ng Walter Mart makaraang magpanggap na testigo sa krimen sa Barangay Zone 4, Dasmariñas, Cavite kamakalawa. Pormal na sinampahan ng kaukulang kaso ang suspek na si Roselaine Rarif y Yman, 18, ng Block 2 Lot 8 South Garden, Calumpang, Tayabas, Quezon.

Ayon kina PO3 Valero Bueno at SPO3 Carlito Gener, ang suspek na nagpakilalang "Khim Torres" ay unang nagbigay ng salaysay sa pulisya sa pagkakapaslang sa biktimang si Ma. Rosario de Ocampo sa tinutuluyang apartelle sa nabanggit na bayan. Subalit sa masusing imbestigasyon, lumitaw na si Torres ay pangunahing suspek sa pagpatay sa biktima na estudyante ng National College of Science and Technology at cashier ng Walter Mart. Itinanggi naman ng suspek ang akusasyon. (Cristina Timbang)

Show comments