^

Probinsiya

Nakapugang killer, tugis

-
CAMP VICENTE LIM, Laguna – Matapos makasalisi sa kanyang jail escorts, tugis ngayon ng pinagsanib na puwersa ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation at pulisya ang pangunahing suspek sa pagpatay sa estudyante ng Philippine Womens University matapos na dumalo ng court hearing sa Biñan Regional Trial Court noong Huwebes ng hapon.

Ayon kay Special Investigator Joel Otic ng NBI- Reaction Arrest and Interdiction Division (RAID), nagbuo na ng team ang NBI at PNP para tugisin ang suspek na si Gilbert Ronquillo, 36, ng KM 57 Libis Lalakay, Los Baños, Laguna na nahaharap sa kasong murder at carnapping.

Si Ronquillo ay pangunahing suspek sa pagpatay kay PWU student Jaimarie Reyes, 22, noong October 10, 2004 base na rin sa sinumpaang salaysay ng dalawa nitong kasamahang sina Bienvenido Nicdao at Pedro Pablo Jr. na naging state witness sa krimen.

Nasakote ang grupo ni Ronquillo matapos na maaktuhang kina-cannibalize ang kotse ni Reyes sa Padre Garcia, Batangas noong October 13.

Napag-alamang nakatakas si Ronquillo sa escort nito na si JO1 Ramos matapos magpaalam na iihi sa comfort room at para makipagkita sa kanyang nobya sa harap ng RTC hanggang sa sumibad ang mga ito sa ’di-malamang direksyon sakay ng pink na Toyota Corolla (GHV-825). (Arnell Ozaeta)

ARNELL OZAETA

BIENVENIDO NICDAO

GILBERT RONQUILLO

JAIMARIE REYES

LIBIS LALAKAY

LOS BA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PADRE GARCIA

PEDRO PABLO JR.

PHILIPPINE WOMENS UNIVERSITY

REACTION ARREST AND INTERDICTION DIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with