Kabilang sa mga naitalang biktimang nasawi na pawang miyembro ng Banwaon tribes ay sina Ison Linyahan, 15; Mansadilla Linyahan, 18; Nay Dado Minyahan, 35; Datu Mambudiongan, 60; at misis nito na si Fabiana, 35.
Napag-alamang noong nakalipas na linggo, aabot sa tatlo-katao sa bayan ng Loreto, Agusan del Sur ang napaulat na nasawi sanhi ng diarrhea outbreak partikular sa mga Sitio Kamalangan, Taminag at Guisawan sa nabanggit na barangay.
Sa ulat ng Provincial Health Office na nakalap mula Municipal Health and Sanitary Inspector office, lumilitaw na kontaminadong tubig inumin ang sanhi ng diarrhea outbreak.
"The areas affected of the outbreak is about four days walking distance from San Luis town proper. Since it is located near boundary of Agusan del Sur-Bukidnon, the areas can only be reached through a single motorcycle then through walking," pahayag ni Ferdinand Perez, Agusan del Sur information officer.
Kasalukuyang nagtungo sa apektadong lugar ang provincial at municipal health workers para makontrol ang pagkalat ng diarrhea.
Nagpadala na rin si Agusan del Sur Governor Adolph Edward Plaza, ng medisina at mga relief material na kakailanganin sa pag-monitor.
Posibleng ideklarang state of calamity kapag inindorso ng municipal council at aprobado ni Mayor Jose Chua, ang apektadong lugar upang mapadali ang pag-release ng pondo para makontrol ang diarrhea outbreak.