Kabilang sa mga hinakot na karangalan ng Cavite ay mula sa Phil. Chamber of Commerce and Industry sa pamumuno ni Ambassador Donald Dee sa kategoryang Most Business-Friendly Local Government Unit.
Ang nasabing parangal ay iginawad kay Cavite Gov. Ayong S. Maliksi ni Vice President Noli De Castro sa ginanap na 32nd Phil. Business Conference sa Manila Hotel noong Oktubre 19. Tinanggap din ng Cavite ang 2006 Special Citation for Advocacy Initiatives at ang finalist ng Family Welfare Execellence Award at Beth Booth Awardee sa Trade Fair and Exhibit.
Naging 2nd place sa kategoryang Best Local Chamber Award sa katatapos na 21st Confederation of Asia-Pacific Chamber of Commerce and Industries Conference sa Taipei, Taiwan noong Oktubre 31.
"Ang mga karangalang nakamit ng Cavite ay magsisilbing inspirasyon sa aking nasasakupan upang ipagpatuloy ang kasalukuyang sigla ng pagnenegosyo at kooperatibismo. Sa sama-samang pagkilos at ang patuloy na suporta ng mga lokal na pamahalaan ay mapapalago ang ekonomiya ng Cavite na magreresulta para tumaas ang antas ng kabuhayan ng mga Caviteño," pahayag ni Maliksi.
Patunay nito, kasalukuyang abala ang administrasyon ni Cavite Gov. Maliksi sa pag-oorganisa ng MSME Summit sa Nob. 14-15 sa General Trias Convention Center kung saan ay tatalakayin ang ibat ibang kaalaman sa pagnenegosyo.