Estudyante sinakal, isinako ng adik
November 9, 2006 | 12:00am
CAMP CRAME Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang 18-anyos na hasykul student makaraang sakalin ng hindi kilalang adik sa droga ay isinako pa bago itinapon sa irrigation canal na sakop ng Barangay San Isidro, General Santos City, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.
Sa ulat ng police regional office na isinumite kahapon sa Camp Crame, dakong alas-5 ng umaga nang madiskubre ang bangkay ng biktimang si Kryzel Diestro, estudyante sa Lagao National High School at residente ng Hermosa Subdivision ng nasabing lungsod.
Napag-alamang pumukaw ng atensyon ng magsasakang si Elizer Rodilla na bumisita sa kanyang bukirin sa Purok San Vicente ang masangsang na amoy na nagmumula sa inaanod na sako na pinagpipiyestahan na ng mga dagang bukid at langaw.
Nang inspeksyunin ni Rodilla, ang sako ay nadiskubre ang bangkay ng biktima na nakatali pa ng electric wire sa leeg at pinaniniwalaang halos sanlinggo ng patay.
Sa inisyal na imbestigasyon ng Regional Crime Laboratory Office (RCLO) 12, nabatid na ang biktima ay pinaslang sa sakal.
Isinailalim din sa masusing eksaminasyon ng medico legal expert ang bangkay upang alamin kung positibo ito sa rape.
Posibleng lango sa droga at wala sa katinuan ang gumawa ng krimen, ayon pa sa pulisya. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended