3 mag-aama dedo sa tahong
November 8, 2006 | 12:00am
LOS BAÑOS, Laguna Tatlong mag-aama kabilang na ang dalawang menor-de-edad ang iniulat na namatay, samantalang apat naman ang nasa kritikal na kalagayan makaraang malason sa kinaing tahong na may halong sardines noong Lunes ng tanghali sa Barangay Timugan, Los Baños, Laguna.
Kabilang sa mga namatay ay ang mag-utol na Jeremy, 7 at Jancel, 3; at ang ama nilang si Gerry Fulgencio, 31, na pawang naninirahan sa nabanggit na barangay.
Nasa kritikal na kondisyon naman ang asawa ni Gerry na si Delfina, 29; at mga anak na sina Jun, 6; Jeffrey, 13; at Jocelyn, 14, na naisugod sa Philippine General Hospital sa Maynila.
Base sa ulat ni Police Officer 1 Donisio dela Torre, nagluto ng laman dagat na tahong na may kahalong sardines ang pamilyang Fulgencio para sa tanghalian hanggang sa makaramdam ang mga ito ng pananakit ng tiyan, pagsusuka at pagkahilo bandang alas-3 ng hapon.
Mabilis na isinugod ang mag-anak sa Pagamutang Panlalawigang ng Laguna sa bayan ng Bay, pero binawian ng buhay si Gerry at ang anak nitong si Jancel bandang alas-4:30 ng hapon, samantala, namatay naman si Jeremy habang patungo sa PGH.
Ayon naman kay Police Senior Superintendent Luisito De Leon, Laguna provincial director, nag-request na sila sa municipal health office ng Los Baños na magsagawa ng imbestigasyon kung ang tahong nga at sardinas ang isa sa dahilan kaya namatay ang tatlo sa pamilya Fulgencio.
"Nagrequest na kami na paimbestigahan ang palengke kung saan nabili ang tahong at kagyat na pigilan ang pagbebenta kapag napatunayang doon nanggaling," dagdag pa ni De Leon sa PSN
Samantala, nangako naman si Los Baños Mayor Caesar Perez, ng tulong pinansyal sa mga biktima para sa pagpapalibing at pagpapagamot. (Dagdag ulat nina Gemma Garcia at Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended