Mga may-ari ng beach resort sa Bataan binalaan ng SP
November 7, 2006 | 12:00am
BALANGA CITY, Bataan Binalaan kahapon ng mga opisyal ng Sangguniang Panlalawigan ang mga may-ari ng beach resort sa dalawang bayan ng Bataan na magpatupad ng safety measures para sa seguridad ng mga bakasyunistang naliligo sa mga nabanggit na lugar.
Ayon kay Board Member Rodolfo Izon, chairman ng games and amusement committee, papatawan ng kaukulang parusa ang sinumang may-ari ng beach resort na hindi tutugon sa itinakdang batas kaugnay na rin sa serye ng pagkalunod ng ilang bakasyunista sa karagatang sakop ng Bagac at Morong sa Bataan.
"Upang maiwasang maulit ng mga nasabing trahedya, kailangang isailalim sa pagsasanay ng National Red Cross-Bataan chapter ang mga lifeguards at mga caretaker ng mga beach resort upang masiguro ang kaligtasan ng mga bisita bukod pa sa dapat ding siguruhin na mayroong sapat na first-aid equipment, safety nets at mga palatandaan kung saan delikado o may malakas na undercurrents sa dagat," pahayag naman ni P/Senior Supt. Hernando Safra, Bataan police provincial director.
Sinuportahan naman ni Bataan Tourism Council Foundation Inc. (BTCFI) chairperson Vicky Garcia, ang panukala ni Safra, kasabay ang paghihikayat sa mga may-ari ng beach resort na magtayo ng mga protective mechanism para matiyak ang kaligtasan ng mga bakasyunista na dumarayo. (Jonie Capalaran)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended