Provincial director pinasisibak sa jueteng!
November 6, 2006 | 12:00am
CAMARINES NORTE Dahilan sa hindi masugpong ilegal na sugal na jueteng sa Camarines Sur, hiniling ng gobernador sa lalawigan ang tuluyang pagpapatalsik sa kanilang Police provincial director matapos na hindi nito sundin ang kautusan ni PNP Chief Dir. Gen. Oscar Calderon na sugpuin at ipairal ang "one strike policy" laban sa jueteng.
Si Camarines Sur Gov. L-Ray Villafuerte ay nagpadala ng sulat sa Camp Crame upang hilingin ang pagpapatalsik kay P/Sr. Supt. Romeo Mapalo, PNP Provincial Director matapos na muling bumalik ang malawakang operasyon ng jueteng sa lalawigan ng Camarines Sur makaraan ang halos dalawang linggo na tumigil ang operasyon nito. Maging si Naga City Mayor Jesse M. Robredo ay dismayado na sa performance ni Mapalo laban sa nasabing sugal. Naging ningas-cogon lamang ang kampanya laban sa jueteng at pagkaraan ay muling bumalik ang operasyon nito. (Francis Elevado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended