Labinsiyam na sugat sa ibat ibang bahagi ng katawan ang tinamo ng biktimang si Normalyn Cabane matapos na katayin ng suspek na si Rene Valle, 32.
Kasalukuyang nakapiit sa himpilan ng pulisya ang suspek at pormal na sasampahan ng kaukulang kaso.
Base sa pagsisiyasat ng pulisya, nagwawalis ang biktima sa harap ng bakuran ng kanilang tahanan nang mamataan ng suspek.
Namataang may hawak na itak ang suspek at tinungo ang kinaroroonan ng biktima at walang sabi-sabi na pinagtataga ang misis.
Hindi naman nagawang awatin ng mister ang suspek na maghuhuramentado hanggang sa aktong susugurin ang asawa ng biktima, subalit naagapan ng mga rumespondeng mga kapitbahay.
Lumitaw sa inisyal na imbestigasyon na may kinimkim na matinding galit ang suspek laban sa biktima dahil lamang sa tinapay na kanyang ginawa na hindi nagustuhan ng dating amo.