^

Probinsiya

Konsehal kinatay ng panadero

- Ni Francis Elevado -
CAMARINES NORTE – Bayolenteng kamatayan ang sinapit ng isang 38-anyos na konsehal ng barangay makaraang pagtatagain ng panadero na sinibak ng una may ilang buwan na ang nakalipas sa naganap na karahasan sa Barangay Cabigguin, Caramoan, Camarines Sur.

Labinsiyam na sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang tinamo ng biktimang si Normalyn Cabane matapos na katayin ng suspek na si Rene Valle, 32.

Kasalukuyang nakapiit sa himpilan ng pulisya ang suspek at pormal na sasampahan ng kaukulang kaso.

Base sa pagsisiyasat ng pulisya, nagwawalis ang biktima sa harap ng bakuran ng kanilang tahanan nang mamataan ng suspek.

Namataang may hawak na itak ang suspek at tinungo ang kinaroroonan ng biktima at walang sabi-sabi na pinagtataga ang misis.

Hindi naman nagawang awatin ng mister ang suspek na maghuhuramentado hanggang sa aktong susugurin ang asawa ng biktima, subalit naagapan ng mga rumespondeng mga kapitbahay.

Lumitaw sa inisyal na imbestigasyon na may kinimkim na matinding galit ang suspek laban sa biktima dahil lamang sa tinapay na kanyang ginawa na hindi nagustuhan ng dating amo.

vuukle comment

BARANGAY CABIGGUIN

BAYOLENTENG

CAMARINES SUR

CARAMOAN

KASALUKUYANG

LABINSIYAM

LUMITAW

NAMATAANG

NORMALYN CABANE

RENE VALLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with