^

Probinsiya

Sanitary landfill sa Cavite, magpapalago ng ekonomiya

-
TRECE MARTIRES CITY, Cavite — Malaki ang maitutulong sa ekonomiya ng Cavite ang napipintong pagtatayo ng solid waste processing facility with sanitary landfill sa Ternate sa darating na panahon.

Ito ang naging pahayag ni Cavite Gov. Ayong Maliksi na nagsusulong sa katuparan ng proyekto na pagdadalhan ng toneladang basura mula sa mga kabahayan sa buong Cavite.

Naniniwala si Maliksi na ang pagtatayo ng sanitary landfill ay mawawala ang mga open at controlled dumpsites maging ang mga nagkalat na basura kung kaya’t maraming turista at negosyante ang mahihikayat na magtayo ng negosyo dahil sa magiging garbage-free ang Cavite.

Ayon sa pamunuan ng Environsave, Inc. sa pangunguna ng general manager na si Ray Guillermo, kabilang sa itatayong pasilidad ay ang Material Recovery Facilities (MRF) na maghihiwalay ng mga basurang muling magagamit (recycle).

Labinlimang porsiyento lamang sa mga basurang hindi mabibilang sa nasabing kategorya ang mapupunta sa sanitary landfill.

"Mas maayos na pagpapatupad ng Republic Act 9003 at ang pagbubukas ng maliliit na negosyo gaya ng pagbebenta ng mga recycled products’" pahayag pa ni Gob. Maliksi.

"Maraming benepisyo ang maibibigay at kung nangangamba ang mga residente ng Ternate sa polusyong maidudulot ng sanitary landfill ay mas higit na dapat silang mangamba sa masamang epekto sa kalusugan ng kasalukuyang open dumpsite kaya hinihikayat ko ang mga Kabitenyo na samahan ako sa layuning magkaroon ng malinis at maunlad na Cavite sa pamamagitan ng sistemang naayon sa Republic Act 9003," dagdag pa ni Maliksi.

AYON

AYONG MALIKSI

CAVITE

CAVITE GOV

ENVIRONSAVE

MALIKSI

MATERIAL RECOVERY FACILITIES

RAY GUILLERMO

REPUBLIC ACT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with