Barangay chair inutas, anak sugatan
October 30, 2006 | 12:00am
CALAMBA CITY, Laguna Isang barangay captain ng Batangas ang napatay samantalang sugatan naman ang kanyang 18-anyos na anak matapos pagbabarilin ng dalawang suspek habang nagbabantay ang mga ito ng kanilang hardware store sa lungsod na ito noong Sabado ng hapon.
Kinilala ni Supt. Roland Bustos, Calamba PNP police chief ang napatay na si Rogelio Rivera, 47, ng Brgy. Malaking Pulo sa Tanauan City.
Idineklarang dead-on-arrival si Rivera sa Laurel District Hospital, Tanauan City matapos magtamo ng mga tama ng bala sa ibat ibang bahagi ng kanyang katawan samantalang sugatan naman ang anak nitong si Rojelvi ng tamaan ng isang bala sa dibdib na inoobserbahan sa Daniel Mercado Hospital.
Ayon sa report, abalang nagbabantay ang mag-ama sa kanilang hardware sa Sitio Silangan, Brgy. Bunggo, Calamba City nang lapitan ang mga ito ng dalawang lalaking nagpanggap na mga kustomer bandang alas-4:30 ng hapon.
Walang sabi-sabi, bigla na lamang pinaputukan ng mga suspek gamit ang caliber .38 si Rogelio sanhi ng kanyang kamatayan habang nag-aagaw buhay ang anak nito nang tangkaing umawat.
Mabilis na tumakas ang mga suspek matapos ang pamamaril sakay ng isang kulay asul na motorsiklo patungong Barangay Malaking Pulo sa Tanauan City. (Arnell Ozaeta)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended