Sa ulat na ipinadala kay Chief Supt. Leopoldo Bataoil, Regional Director ng PNP sa Region 1, ang sumuko ay si Alexander Caling Tan, 33, alyas "Ka Ilyong", ng Brgy. Pila East, sa bayang ito.
Ayon sa ulat ng pulis, si Tan ay nakalista bilang pang 31 sa watch list o order of battle ng KLG De Lara Command at siya ay nasa order of battle ng military at pulis.
Si Tan ay aktibong sumasali sa mga rally laban sa pamahalaan magmula nang siya ay pumasok sa kilusan.
Lumilitaw sa imbestigasyon ng pulis na si Tan ay pumasok na rebelde noong August, 2006 na kung saan ay nakasabay niya si Jocelyn Ramirez.
Si Ramirez ay naging asawa ni Anastacio Ramirez, isa ring rebeldeng NPA. Nitong bandang huli, ayon sa tactical interrogation ng pulis, ang mag-asawang Ramirez ay sumuko na rin sa pamahalaan.
Pinuri naman ni General Bataoil ang pagsuko ni Tan at sinabing makapag-umpisa na siya muling mamuhay nang tahimik at disente.
Nag-udyok din sa pagsuko ni Tan ay ang labis na kahirapan sa kilusan at walang katiyakan kung saan sila matutulog at kakain.
Samantala, hinimok pa ni Bataoil ang kanyang mga pulis na lalong paigtingin ang kanilang kampanya laban sa insureksiyon sa rehiyon. (Myds Supnad)