^

Probinsiya

Lider ng CPP-NPA sumuko

-
STA. LUCIA, Ilocos Sur – Matapos hindi makayanan ang hirap ng buhay sa kilusan ng ilang taon, isang mataas na lider ng CPP-NPA na kumikilos sa Ilocos region ang sumuko sa pamahalaan.

Sa ulat na ipinadala kay Chief Supt. Leopoldo Bataoil, Regional Director ng PNP sa Region 1, ang sumuko ay si Alexander Caling Tan, 33, alyas "Ka Ilyong", ng Brgy. Pila East, sa bayang ito.

Ayon sa ulat ng pulis, si Tan ay nakalista bilang pang 31 sa watch list o order of battle ng KLG De Lara Command at siya ay nasa order of battle ng military at pulis.

Si Tan ay aktibong sumasali sa mga rally laban sa pamahalaan magmula nang siya ay pumasok sa kilusan.

Lumilitaw sa imbestigasyon ng pulis na si Tan ay pumasok na rebelde noong August, 2006 na kung saan ay nakasabay niya si Jocelyn Ramirez.

Si Ramirez ay naging asawa ni Anastacio Ramirez, isa ring rebeldeng NPA. Nitong bandang huli, ayon sa tactical interrogation ng pulis, ang mag-asawang Ramirez ay sumuko na rin sa pamahalaan.

Pinuri naman ni General Bataoil ang pagsuko ni Tan at sinabing makapag-umpisa na siya muling mamuhay nang tahimik at disente.

Nag-udyok din sa pagsuko ni Tan ay ang labis na kahirapan sa kilusan at walang katiyakan kung saan sila matutulog at kakain.

Samantala, hinimok pa ni Bataoil ang kanyang mga pulis na lalong paigtingin ang kanilang kampanya laban sa insureksiyon sa rehiyon. (Myds Supnad)

ALEXANDER CALING TAN

ANASTACIO RAMIREZ

CHIEF SUPT

DE LARA COMMAND

GENERAL BATAOIL

ILOCOS SUR

JOCELYN RAMIREZ

KA ILYONG

LEOPOLDO BATAOIL

MYDS SUPNAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with