Dead-on-the-spot sa tinamong tama ng bala sa ulo ang biktimang si Rolando Gerbolingo, 22, habang idineklara namang dead-on- arrival sa Davao City Medical Center si Novejean Morata, 16.
Nasa kritikal na kondisyon ang dalawa pang sugatang biktima na sina Jimmy Gaslang, 14 at ang isa sa mga cheerer ng mga ito na si Glezelda Ronuillo, 17.
Ayon sa report ng Davao City police, dakong alas- 2:45 ng hapon habang masayang naglalaro ng basketball ang mga manlalaro kung saan nasa gitna ng ring si Gerbolingo para sana tumira sa free throw nang biglang sumulpot ang salarin at walang habas na pinagbabaril ang mga biktima. (Joy Cantos)