^

Probinsiya

Basketball court niratrat: 2 todas

-
CAMP CRAME – Nabahiran ng dugo ang masayang paglalaro ng basketball matapos na paulanan ng bala ng nag-iisang salarin ang mga manlalaro na ikinasawi ng dalawa sa mga ito habang dalawa pa ang grabeng nasugatan kabilang ang isang manonood sa KM 12, Sasa, Davao City kamakalawa.

Dead-on-the-spot sa tinamong tama ng bala sa ulo ang biktimang si Rolando Gerbolingo, 22, habang idineklara namang dead-on- arrival sa Davao City Medical Center si Novejean Morata, 16.

Nasa kritikal na kondisyon ang dalawa pang sugatang biktima na sina Jimmy Gaslang, 14 at ang isa sa mga ‘cheerer’ ng mga ito na si Glezelda Ronuillo, 17.

Ayon sa report ng Davao City police, dakong alas- 2:45 ng hapon habang masayang naglalaro ng basketball ang mga manlalaro kung saan nasa gitna ng ring si Gerbolingo para sana tumira sa free throw nang biglang sumulpot ang salarin at walang habas na pinagbabaril ang mga biktima. (Joy Cantos)

AYON

DAVAO CITY

DAVAO CITY MEDICAL CENTER

GERBOLINGO

GLEZELDA RONUILLO

JIMMY GASLANG

JOY CANTOS

NOVEJEAN MORATA

ROLANDO GERBOLINGO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with