^

Probinsiya

Bata patay sa tuklaw ng ahas

-
CAMP CRAME – Kamatayan ang sinapit ng isang 10-anyos na batang lalaki makaraang matuklaw ng cobra habang nakikipaglaro ng taguan sa kanyang utol na babae sa likurang bahagi ng kanilang tahanan sa Barangay Sinawilan sa bayan ng Matan-ao, Davao del Sur, ayon sa ulat ng pulisya kahapon. Hindi na naisalba sa ospital ang biktimang si Gilbert Alconera na nangitim at nagkikisay matapos na kumalat sa katawan ang kamandag ng ahas. Nabatid na naglalaro ng taguan at naghahabulan ang biktima at utol na si Anna Lou nang aksidenteng mapadako ang bata sa sukalan na kinaroroonan ng ahas. Napag-alamang nasaksihan ng kanyang nakatatandang utol na babae ang insidente kaya humingi ng saklolo sa kanilang mga magulang, subalit hindi na umabot pa sa ospital ang biktima. (Joy Cantos)
17-anyos ginawang sex slave
SURIGAO DEL SUR — Kalaboso ang binagsakan ng isang 43-anyos na ama makaraang halayin ng ilang ulit ang sariling anak na 17-anyos sa kanilang bahay sa Purok 1, Barangay Sudlon, Barobo, Surigao del Sur kamakalawa. Luhaang dumulog sa himpilan ng pulisya ang biktimang itinago sa pangalang Olive para ireklamo ang suspek na si Bertulo Mundas Sabino. Nabatid sa ulat ng pulisya, na sinimulang halayin ng suspek ang sariling anak noong Abril 2006 hanggang sa ipagtapat ng biktima sa kanyang ina ang kabuhungan ng sariling ama. Pormal na sinampahan ng kaukulang kaso ang suspek habang nakapiit sa himpilan ng pulisya sa bayang nabanggit. (Ben Serrano)
Obrero dedo sa mag-uutol na ‘adik’
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City — Karit ni kamatayan ang sumalubong sa isang 34-anyos na obrero makaraang pagtulungang gulpihin at saksakin ng tatlong mag-uutol na pinaniniwalaang mga lango sa droga sa naganap na karahasan sa Barangay Ambulong sa bayan ng Aroroy, Masbate kahapon ng madaling-araw. Gulpi-sarado ang nasawing biktima na si Ferdinand dela Peña, samantalang tugis ng pulisya ang mga suspek na sina Eddie Balgonia, 41; Antonio Balgonia, 38; at si Edison Balgonia, 24, na pawang naninirahan sa nabanggit na barangay. Ayon sa pulisya, papauwi na ang biktimang nang mapagtripang harangin ng mga suspek at sa pag-aakalang kalaban ay pinagtulungang patayin. (Ed Casulla)
Kawani ng ATO dedo sa ambush
CAMP CRAME – Tinambangan at napatay ang isang kawani ng Air Transportation Office (ATO) ng dalawang maskaradong kalalakihan sa naganap na karahasan sa harapan ng eskuwelahan malapit sa Zamboanga City International Airport, kamakalawa, ayon sa ulat kahapon. Labintatlong bala ng baril ang tumapos sa biktimang si Abdulgafar Uddin, nakatalaga sa opisina ng ATO sa Zamboanga International Airport at sa Airways Communications II. Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, naitala ang krimen dakong alas-5 ng umaga sa harapan ng Saint Joseph School matapos na pagbabarilin ang biktimang patungo sana sa kanyang opisina. Tumakas naman ang mga killer sakay ng motorsiklo patungo sa direksyon ng San Jose at Baliwasan Road. (Joy Cantos)
5-araw na medical mission
ZAMBALES – Libu-libong residente na nabiyayaan ng medical mission sa pangunguna ng tatlumpong doctor na isa sa programang isinusulong ni Mayor Roger Yap sa bayan ng Botolan, Zambales. Nagtapos na kahapon ang 5-araw na libreng gamutan sa Sitio Camarra, Barangay Taugtog, Botolan, Zambales na napakinabangan ng aabot sa 4,000-katao mula sa iba’t ibang barangay na sakop ng nasabing bayan. Kabilang sa mga doctor na lumahok ay sina Dr. Rosita Cruz at Dr. Marieta Caragay ng International Medical Mission at kapwa tubong Botolan. Bukod sa libreng gamutan ay nabiyayaan pa ang mga pasyente ng libreng gamot. (Fred Lovino)

vuukle comment

ABDULGAFAR UDDIN

AIR TRANSPORTATION OFFICE

AIRWAYS COMMUNICATIONS

ANNA LOU

ANTONIO BALGONIA

BOTOLAN

CENTER

JOY CANTOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with