13 MILF rebs sumuko
October 27, 2006 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Labintatlong rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang iniulat na sumuko sa militar na nakabase sa Sitio Bombaran, Barangay Tugaig, Barira, Maguindanao kamakalawa. Kabilang sa mga sumukong rebelde na mga tauhan ni Kumander Moamar Momin, alyas Tawa ay nakilalang sina Tarafas Malik, Salik Rasuman, Rasid Musthapa, Oting Masando, Kanduali Sacuriua, Said Manalo, Zia-Ui-Haq Zacaria, Macmod Zacaria, Rey Mallaros, Ali Maugindra, Norodin Dampa, Abu Darineigin at Ninay Sammy na isinurender din ang kanilang mga armas. Ayon kay Major Ernesto Torres Jr., spokesman ng Phil. Army , ang mga rebelde ay nagsisuko kay Lt. Col. Eduardo Collado, commanding officer ng 37th Infantry Battalion sa nabanggit na bayan. (Joy Cantos)
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang preso na nagtangkang tumakas habang escort ng dalawang jailguard patungong provincial jail ng Masbate sa naganap na insidente sa Barangay Panique sa bayan ng Aroroy. Nakilala ang napatay na preso na si Leo Calivar, may kasong murder at nakakulong sa provincial jail na sakop ng Barangay Matiporon, Milgaros, Masbate. Napag-alamang motorsiklo ang ginamit ng dalawang jailguard na sina Deonito Carro at Joseph De Jesus para muling ibalik si Calivar sa nabanggit na piitan, subalit habang binabagtas ang kahabaan ng nasabing highway ay bigla itong tumalon. Agad na nagpaputok ng baril sa ere ang dalawa bilang warning shot, subalit nagpatuloy pa rin sa pagtakas si Calivar kaya napilitang pagbabarilin ng dalawang guwardiya. (Ed Casulla)
PAMPANGA Dalawang sunod na putok ng baril ang umalingawngaw at duguang bumulagta ang isang 56-anyos na kawani ng Department of Agriculture sa isa na namang karahasang naganap sa Barangay San Nicolas, Masantol, Pampanga kamakalawa. Kinilala ng pulisya ang napatay na si Jaime Miranda ng Purok 4, Barangay San Antonio, Floridablanca, Pampanga. Ang suspek na nakapiit at pormal na sinampahan ng kaukulang kaso ay nakilalang si Leonardo Gapi, 52, ng nabanggit na barangay. Ayon sa pulisya, bumisita ang biktima kasama ang dalawang kaibigan sa bahay ng suspek na nakaratay dahil sa sakit sa atay. Dahil sa may kinikimkim na galit ang suspek sa biktimang napaulat na may relasyon sa asawa ang una ay agad na kinuha ang baril at isinagawa ang krimen. (Resty Salvador)
Magdaraos ng ika-25 anibersaryo ang Kapisanan ng mga Manananggol sa Hagonoy, Bulakan (KAMAHA) ngayong gabi (Oktubre 27) sa Manila Pavillion Hotel sa UN Avenue, Ermita, Manila. Hinikayat naman ni Atty. Ted C. Villanueva, pangulo ng KAMAHA , ang mga miyembro ng nasabing samahan na humalok sa historical celebration na may live entertainment at dancing sa buong kaganapan. Aabot sa 100 abugado ang kaanib ng nasabing samahan na kinabibilangan nina Hon. Ruben T. Reyes, Presiding Justice ng Court of Appeals, Senior Deputy Executive Sec. Waldo Flores, Atty. Angel Cruz, Atty. Conrado R. Mangahas at Dean Pascual T. Lacas. Magiging guest speaker si Hon. Florentino A. Tuason Jr., Commissioner ng Commission on Elections. Sa karagdagang impormasyon ay maaaring kontakin si Gloria Bagatsing sa 8923011 o kaya mag-email sa [email protected]
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended