2 Abu Sayyaf nabitag
October 26, 2006 | 12:00am
CAMP CRAME Bumagsak sa kamay ng mga awtoridad ang dalawang bandidong Abu Sayyaf kabilang ang kanang kamay ng isa sa mga top leader na si Kumander Abu Solaiman sa isinagawang operasyon ng pulisya at militar sa bayan ng Bongao, Tawi-Tawi kamakalawa.
Kasalukuyang sumasailalim sa tactical interrogaton ang aide ni Solaiman na may patong sa ulo na US$ 1-milyon na si Radamar Bayro, alyas Bayruh Uttod at ang isa pa na si Jammal Janjalani Jalilul.
Si Solaiman ay itinuturing ng pamahalaang Amerika na isa sa mga wanted na top leaders ng Abu Sayyaf na pinangungunahan ni ASG Chieftain Khadaffy Janjalani.
Batay sa ulat, ang dalawa ay nasakote ng elemento ng ARMM Regional Maritime Office, Military Intelligence Group (MIG) 9 at Marine Battalion Landing Team (MBLT) 2 sa bisinidad ng Barangay Tubig Tanah, Bongao ng nasabing lalawigan dakong alas-5 ng umaga. Bago nasakote ang dalawang bandido ay nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba na nagtatago sa nasabing lugar sina Bayro at Jalilul kaya kaagad silang rumesponde. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
15 hours ago
Recommended