2 wanted persons nasakote
October 25, 2006 | 12:00am
CAMARINES NORTE Dalawang kalalakihan na may nakabinbing kasong kriminal ang nasakote ng pulisya sa isinagawang operasyon sa magkahiwalay na lugar sa Camarines Norte kamakalawa. Kasalukuyang nakapiit sa himpilan ng pulisya ang mga suspek na sina Marcial Cambroneto ng Labo, Camarines Norte at Regmer Detera, 54.
Ayon sa pulisya, si Cambroneto na may warrant of arrest na inisyu ni Judge Sancho Dames II ng Regional Trial Court-Branch 38 sa kasong illegal logging ay nasakote sa checkpoint sa kahabaan ng Maharlika Highway na sakop ng Barangay Bactas sa bayan ng Basud. Samantalang si Detera na may warrant of arrest na inisyu ni Judge Rolando M. Panganiban ng RTC Branch 40 sa kasong rape ay nasakote sa bahagi ng Purok 1, Barangay Mantugawe sa nasabing bayan. (Francis Elevado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended