Napag-alamang nakatanggap ng impormasyon ang biktima na may nagpupulong na grupo ng kalalakihan na pinaniniwalaang rebeldeng New Peoples Army sa nabanggit na barangay kaya agad na tinungo ng nasabing pulis.
Ayon sa ulat, bandang alas-6:30 ng gabi nang magmonitor ang biktima at habang nakatayo sa hindi kalayuang lugar mula sa nasabing grupo ay namukhaan ito ng isa sa grupo.
Nabatid sa ilang nakasaksi sa insidente, lumapit ang isa sa kalalakihan na nakisindi pa sa biktima at walang sabi-sabing binunot ang baril at pinaputukan ng ilang ulit ang pulis.
Tinangay pa ng mga rebelde ang baril ng biktima bago tumakas sa direksyon ng Barangay San Rafael.
Nagsagawa na nang malawakang pagtugis ang pulisya at militar sa kinaroroonan ng mga rebeldeng NPA. (Ed Casulla)