^

Probinsiya

Pulis nilikida ng NPA

-
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City — Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang alagad ng batas ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) makaraang matugunang naniniktik sa grupo ng mga kalalakihan sa Barangay Antipolo, Bagamanoc, Catanduanes kamakalawa ng gabi. Napuruhan sa ulo at idineklarang patay sa Viga District Hospital ang biktimang si SPO1 Oscar Villacorta, intelligence officer ng himpilan ng pulisya sa bayan ng Bagamanoc.

Napag-alamang nakatanggap ng impormasyon ang biktima na may nagpupulong na grupo ng kalalakihan na pinaniniwalaang rebeldeng New People’s Army sa nabanggit na barangay kaya agad na tinungo ng nasabing pulis.

Ayon sa ulat, bandang alas-6:30 ng gabi nang magmonitor ang biktima at habang nakatayo sa hindi kalayuang lugar mula sa nasabing grupo ay namukhaan ito ng isa sa grupo.

Nabatid sa ilang nakasaksi sa insidente, lumapit ang isa sa kalalakihan na nakisindi pa sa biktima at walang sabi-sabing binunot ang baril at pinaputukan ng ilang ulit ang pulis.

Tinangay pa ng mga rebelde ang baril ng biktima bago tumakas sa direksyon ng Barangay San Rafael.

Nagsagawa na nang malawakang pagtugis ang pulisya at militar sa kinaroroonan ng mga rebeldeng NPA. (Ed Casulla)

AYON

BAGAMANOC

BARANGAY ANTIPOLO

BARANGAY SAN RAFAEL

CATANDUANES

ED CASULLA

LEGAZPI CITY

NEW PEOPLE

OSCAR VILLACORTA

VIGA DISTRICT HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with