2 bank employee hinoldap
October 22, 2006 | 12:00am
CAMP OLIVAS, Pampanga Habang abala ang kapulisan hinggil sa pagtutok sa mga militanteng ralista sa lalawigan, nagkaroon naman ng pagkakataon ang dalawang lalaki na mangholdap ng dalawang empleyado ng bangko at tinangay ang kanilang sasakyan sa Brgy. Sto. Tomas sa San Fernando, lalawigang ito. Sa report, sakay ang mga suspek ng isang motorsiklo na tumangay ng may P500,000 mula sa mga biktimang sina Dante Valencia at Remigio Pacia, pawang kawani ng rural bank sa nasabing bayan. Sakay umano ang dalawang biktima ng Mitsubishi Lancer (CNP-602) galing sa bayan ng Sta. Rita na dala ang nabanggit na salapi nang mula sa nasabing lugar ay harangin sila ng mga suspek na armado ng kalibre .45 na baril at pagkatapos ay pinababa ang mga biktima saka mabilis na kinuha ng mga suspek ang pera saka sila pinababa. Mabilis na sumakay ang isang suspek sa sasakyan na ginawang get-away vehicle nito patungo sa di malamang direksyon. (Resty Salvador)
LUCENA CITY Hindi na umabot pang buhay sa ospital ang isang mister matapos na saksakin ng kanyang kapitbahay na nakialam sa away ng una at asawa nito sa Jael Subdivision, Brgy. Ilayang Iyam, kamakalawa ng gabi. Ang biktima na nagtamo ng mga saksak sa ibat ibang bahagi ng katawan ay nakilalang si Juan Katigbak, 56, driver, ng nasabing lugar. Samantalang agad namang nadakip ang suspek na si Jansen de Pedro, 25, binata ng naturang lugar. Ayon sa imbestigasyon ni SPO1 German Merle, officer on case, dakong alas-6:30 ng gabi ay nakikipag-away ang biktima sa kanyang asawa nang tangkain ng suspek na sila ay awatin. Sa halip namang magpaawat ay pinaghahampas ng biktima ng dos-por-dos ang dingding at bubong ng kanilang bahay at hinamon pa ang suspek. Sa puntong iyon ay dali-daling tinungo ng suspek ang biktima at bumunot ng patalim ang una sa kanyang beywang at pinagsasaksak ang huli. (Tony Sandoval)
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City Isang barangay tanod ang nasa kritikal na kondisyon nang awatin nito ang isang nagwawalang binata sa isang sayawan kahapon ng madaling-araw sa Brgy. San Jose, Buhi, Camarines Sur. Agad na isinugod sa Bicol Medical Center ang biktima na si Edgardo Martinez, nasa hustong gulang, may-asawa, ng naturang lugar. Samantala ang suspek na kaagad naman na tumakas ay kinilalang si Roel Sy, 26, binata, residente ng Brgy. Sta. Faustina, Buhi, Camarines Sur. Sa ulat, dakong ala-1:20 ng madaling-araw habang ang suspek ay lasing at nanggugulo sa loob ng sayawan ay agad na rumesponde ang biktima. Nang aawatin ng biktima ang suspek na dayo lamang sa lugar sa pagwawala nito ay siya ang pinagbalingan nito saka tinarakan ng kutsilyo sa sayawan. (Ed Casulla)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended