^

Probinsiya

Habang nasa abroad ang ina: 2 paslit ni-rape ng ama!

-
DAET, Camarines Norte – Hindi na binigyan pa ng pagkakataon ang isang 34-anyos na lalaki nang ipa-aresto at ipakulong ng tiyahin ng kanyang dalawang anak na menor-na-edad dahil sa umano’y panggagahasa sa mga ito habang ang kanilang ina ay kasalukuyang nasa ibang bansa, bayang ito.

Kamakalawa ng umaga ng pormal nang isinampa ang kasong rape sa Daet Police Station laban sa suspek na si Aladin Geron, residente ng Purok 6 Brgy. 7 ng nasabing bayan. Ang nasabing suspek ay agad na dinampot ng mga barangay officials sa pamumuno ni Chairwoman Gina Vargas matapos na magpaabot ng reklamo ang tiyahin ng mga biktima.

Batay sa salaysay ng mga biktimang 2 at 7-anyos kay SPO3 Yolanda Detera, womens and children protection desk, nitong Oktubre 17 ng madaling-araw, dumating ang kanilang ama na lango sa alak at dahilan sa kalasingan ay ginawan ng kahalayan ang kanyang dalawang anak. Malaki ang hinala na labis na pananabik sa kanyang asawa na apat na buwan pa lamang sa Middle East ang nag-udyok sa suspek upang abusuhin ang kanyang mga paslit na anak.

Ang suspek ay kasalukuyang nakakulong sa Daet detention cell. (Francis Elevado)

vuukle comment

ALADIN GERON

BATAY

BRGY

CAMARINES NORTE

CHAIRWOMAN GINA VARGAS

DAET

DAET POLICE STATION

FRANCIS ELEVADO

MIDDLE EAST

YOLANDA DETERA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with