^

Probinsiya

Mayor ng San Miguel suspendido na

-
SAN MIGUEL, Bulacan – Matapos manatili sa puwesto ng dalawang buwan sa bisa ng isang temporary restraining order (TRO) ng korte sa kasong isinampa sa Ombudsman, tuluyan nang nasuspinde ng anim na buwan ang mayor ng bayan ng San Miguel, Bulacan.

Si San Miguel Mayor Edmundo Jose Buencamino ay pormal na pinalitan ni Vice Mayor Roderick Tiongson bilang acting mayor, samantalang si Konsehal John Mendez ang pumalit kay Tiongson bilang bise alkalde sa loob din ng anim na buwan.

Napag-alamang kinasuhan si Mayor Buencamino sa Ombudsman ng Rosemoor Mining Development Corporation ng grave misconduct, abuse of authority at conduct prejudicial to the interest of the service.

Ito ay dahil sa ilegal na paniningil ni Buencamino ng passway fees mula sa mga trak na humahakot ng mga bloke ng marmol mula sa bulubunduking bayan ng Doña Remedios Trinidad na dumadaan sa bayan ng San Miguel.

Ayon sa RMDC, umabot sa P12-milyon ang nakulekta ni Mayor Buencamino mula sa mga trak na siningilan ng P1,000 kada biyahe.

Bilang depensa, sinabi ni Buencamino na ipinatutupad lamang niya ang ordinansa ng bayan, subalit pinasinungalingan ito ng Sangguniang Bayan sa pagsasabing hindi maaring ipatupad ang nasabing ordinansa dahil hindi iyon pinagtibay ng Sangguniang Panglalawigan noong 1989.

Noong Abril 2006, ipinalabas ng Ombudsman ang desisyon sa kaso na pabor sa RMDC, subalit buwan na ng Hulyo ng maipadala ang kopya ng suspensyon sa mga sangkot sa kaso.

Noong Agosto 16, 2006 ay nakakuha ng TRO si Mayor Buencamino sa Court of Appeals hanggang sa natapos noong Miyerkules ng hapon kaya’t itinalaga ng DILG sina Tiongson at Mendez. (Dino Bal

vuukle comment

BUENCAMINO

BULACAN

COURT OF APPEALS

DINO BAL

KONSEHAL JOHN MENDEZ

MAYOR

MAYOR BUENCAMINO

NOONG ABRIL

NOONG AGOSTO

SAN MIGUEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with