3 NPA dedo sa bakbakan

CAMP AGUINALDO – Tatlong rebeldeng New People’s Army ang iniulat na napaslang habang tatlo pa ang nasugatan kabilang ang isang sundalo sa naganap na bakbakan sa liblib na bahagi ng Barangay Gagabutan, Rizal, Cagayan, ayon sa ulat kahapon.

Sa ulat na tinanggap kahapon ni Philippine Army Chief Lt. Gen. Romeo Tolentino, kinilala ang mga napatay na rebelde na sina Jerry Batta, Rico Palattao at Nestor Romeo alyas Rico. Kabilang naman sa nasugatang rebelde ay sina Domingo Aspiro Jr. at Puling Talay, samantalang sa panig ng militar ay si Private Rene Caymo ng 51st Division Reconnaisance Company ng Army’s 5th Infantry Division. (Joy Cantos)

Show comments