Nagbunsod ang desisyon ng NEA matapos maghain ng kasong administratibo ang mga miyembro ng Batangas Electric Cooperative (Batelec II) laban sa mga opisyal nang aprubahan ng mga ito ang isang kontarata sa computerization at pagbili ng sampung unit ng boom trucks ng walang tamang bidding at pag-aaral.
Sa 43-pahinang desisyon na nilagdaan ni NEA chairman Raphael Lotilla at inayunan naman nina Wilfred Billena, Jose Victor Lobrigo at Edita Buena, ipinag-utos ng mga ito ang dagliang pagsibak kina Reynaldo Panaligan, Isagani Casalme, Ruben Calinisan, Cesario Gutierez, Gerardo Hernandez, Celso Landicho, Tita Matulin, Ireneo Montecer, Tirso Ramos, Jose Rizal Remo, Cipriano Roxas at Eduardo Tagle, pawang mga board of directors ng Batangas Electric Cooperative II (Batelec II).
Ayon kay NEA chairman Lotilla, pinatawang matanggal ang mga opisyal sa bisa na rin ng mga kautusan sa ilalim ng Section 10, Chapter II ng Presidential Decree #269 as amended by section 5 (e) of PD 1645.
Sa audit na isinagawa ng NEA, inaprubahan umano ng mga board of directors sa pamamagitan ng isang resolusyon ang pagbibigay ng computerization contract sa I -SOLV sa halagang P75 milyon at pagbili ng overpriced na boom trucks sa halagang P6.1 milyon. (Arnell Ozaeta)