Parak patay sa ambush
October 16, 2006 | 12:00am
STO. DOMINGO, Nueva Ecija Isang kagawad ng pulisya na bihasa sa intelligence gathering ang namatay habang isa namang naglalakad na babae ang nasugatan nang tamaan ng ligaw na bala matapos ang isinagawang pananambang ng dalawang hindi kilalang lalaki na sakay ng isang motorsiklo sa Barangay Poblacion, dito, kamakalawa.
Sa ipinarating na ulat ni P/Sr. Inspector Restituto Reyes, hepe ng pulisya rito, kay P/Sr. Supt. Alex Paul Monteagudo, Nueva Ecija Police provincial director, nakilala ang nasawing biktima na si SPO1 Joe Santos, 45, may-asawa, intelligence operations officer ng Sto. Domingo Police.
Samantala, nakilala naman ang tinamaan ng bala na si Esperanza Rosete, ng Brgy. Sto. Rosario, dito, na isinugod sa Sto. Domingo District Hospital. Ayon kay Reyes, si Santos na may 13 taon na sa serbisyo at isa sa magagaling na pulis ng kanilang bayan ay namatay sa 10 bala na tumama sa ibat ibang bahagi ng kanyang katawan.
Nabatid sa imbestigasyon, dakong alas-10:15 ng umaga sakay ang biktima ng kanyang kulay asul na motorsiklong Yamaha at patungo na sa himpilan ng pulisya nang pagsapit nito sa Kalye Regino Sabaccan, Poblacion, ay pinagbabaril siya ng dalawang di kilalang lalaki na sakay ng motorsiklo.
Matapos na bumulagta sa kalsada ang biktima ay nilapitan pa siya ng dalawang suspek at sunud-sunod na pinaputukan pa uli ito.
Ayon sa mga nakasaksi, agad na nagsitakas ang mga suspek patungo sa direksyon ng bayan ng Quezon, Nueva Ecija na ang tinutumbok ay ang lalawigan ng Tarlac sa kanlurang direksyon. Wala pang natutukoy na motibo sa pagkapaslang sa biktima, na umanoy tinangayan pa ng mga suspek ng kanyang cellphone, service firearm na caliber .45 pistol at wallet. (Christian Ryan Sta. Ana)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest