^

Probinsiya

Bomba pa sa Mindanao silat

-
CAMP CRAME – Napigil ang pagdanak ng dugo matapos marekober ng mga intelligence operatives ng militar ang isang bomba na hinihinalang itinanim ng mga galamay ng Jemaah Islamiyah (JI) terrorist sa Public Market ng Pagadian City, Zamboanga del Sur kahapon ng umaga.

Ayon kay AFP-Public Information Office (AFP-PIO) Chief Lt. Col. Bartolome Bacarro, dakong alas-7:16 ng umaga ng marekober ng nagpapatrulyang mga elemento ng AFP intelligence operatives at mga CAFGU’s ang isang Improvised Explosive Device (IED) sa gate 1 ng nasabing pampublikong pamilihan.

Ang pagkakarekober sa nasabing bomba ay sa gitna na rin ng pinalakas na opensiba ng tropa ng militar upang mabitag sina JI bomber Dulmatin at Omar Patek; pawang mastermind sa madugong pambobomba sa Bali, Indonesia noong 2002 na ikinasawi ng mahigit 200 katao.

Sina Dulmatin at Patek base sa pinakahuling impormasyon ng AFP ay kinakanlong at kasamang tumatakbo nina Abu Sayyaf leader Khadaffy Janjalani sa Patikul, Sulu.

Samantalang nauna nang isinailalim ng PNP at AFP sa red alert ang Metro Manila partikular na ang rehiyon ng Mindanao bunga ng tatlong insidente ng pambobomba sa Central Mindanao na kumitil ng buhay ng 6 katao habang mahigit pa sa 30 ang nasugatan kamakailan. Agad namang na-idetonate ang nasabing bomba ng mga nagrespondeng Explosive and Ordnance Team ng pulisya bago pa man ito makapaminsala.

Kaugnay nito ay ipinag-utos ni Army’s 1st Infantry Division (ID) Chief Brig. Gen. Raymundo Ferrer ang pagpapakalat ng tropa ng Army’s 53rd Infantry Battalion sa palengke na tinarget ng pambobomba at naglatag rin ng checkpoint sa lungsod at mga kanugnog na lugar. (Joy Cantos)

ABU SAYYAF

BARTOLOME BACARRO

CENTRAL MINDANAO

CHIEF BRIG

CHIEF LT

EXPLOSIVE AND ORDNANCE TEAM

IMPROVISED EXPLOSIVE DEVICE

INFANTRY BATTALION

INFANTRY DIVISION

JEMAAH ISLAMIYAH

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with