^

Probinsiya

Navy man inaresto sa panunutok ng baril

-
CAVITE – Nahaharap ngayon sa kasong grave coercion ang isang miyembro ng Philippine Navy makaraang ireklamo ito ng isang radio station manager dahil sa panunutok ng baril habang papauwi ang huli kasama ang pamilya sa Daang Amaya 2, Tanza kamakalawa.

Naaresto agad ng mga pulis ang suspek na si Petty Officer 3rd Class Benjamin Salagubang, 38, may-asawa, kasapi ng Phil. Navy at residente ng Daang Amaya 2, Tanza Cavite.

Kaagad naman itong naireklamo ng biktimang si Benito Clamosa, 55, may asawa, radio station manager at residente ng Pojas Subdivision, Brgy. Daang Amaya 2, Tanza, Cavite.

Sa isinagawang imbestigasyon ni PO2 Neil Morano, may hawak ng kaso, ganap na alas-6:50 ng gabi nang maganap ang insidente habang ang biktima ay nag- mamaneho ng kanyang owner-type jeep kasama ang kanyang asawa at anak papauwi sa kanilang bahay ng bigla na lang silang magkainitan sa kalsada,

Papadaan ang biktima nang bigla na lang nagkunwaring dadaan ang suspek at pinagbigyan naman ito subalit sa halip ay pinagbunutan pa ng suspek ang biktima ng dalang caliber 45 pistol.

Dahil dito nagkaroon ng mainitang pagtatalo na nauwi sa pagrereklamo ng biktima sa pulisya kung kaya’t kaagad na nadakip ang suspek. Narekober sa suspek ang isang cal. 45 at isang magazine na may kargang 7 bala.

Sinampahan na ng kaso ang suspek sa Provincial Prosecutor’s Office sa Bacoor. (Lolit Yamsuan)

vuukle comment

BENITO CLAMOSA

CLASS BENJAMIN SALAGUBANG

DAANG AMAYA

LOLIT YAMSUAN

NEIL MORANO

PETTY OFFICER

PHILIPPINE NAVY

POJAS SUBDIVISION

PROVINCIAL PROSECUTOR

TANZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with