Iniharap sa mamamahayag ng Police Regional Office 13 (PRO 13- Caraga) ang mga suspek na sina Norberto Liones Jr. at kapatid na si Gerry Liones dahil sa umanoy pananaga at pamamaril sa biktimang si Fr. Dionisio Guingguing, 53, ng Church of Body of Christ sa kanyang farmhouse sa Purok Sunkist, Brgy. Bajao, Tago, Surigao del Sur nitong Oktubre 8.
Sinampahan na ng kasong murder ang magkapatid na Liones sa Provincial Prosecutors Office ng Surigao del Sur dahil sa umanoy pagpatay kay Fr. Guing-guing bunsod sa umanoy matinding galit.
Sa report ni PRO13 Director, Chief Supt. Antonio Nanas, kay PNP chief Dir. Gen. Oscar Calderon, paghihiganti ang nakikitang motibo ng pagpaslang sa nasabing lider ng simbahan.
"Vengeance is the motive of the killing," ani Sr. Supt. Alex Edera, ng Surigao del Sur Provincial Police Office base sa kanilang isinagawang pagsisiyasat.
Hindi naman niliwanag ni Edera kung ano ang dahilan sa matinding galit ng magkapatid na akusado upang paslangin ang biktima.