^

Probinsiya

2 ‘Killer’ ng pari, arestado

- Cesar Cezar -
CAMP CRAME – Naaresto na ng pulisya ang magkapatid na sinasabing brutal na pumatay sa isang pari ng Aglipayan church sa Surigao del Sur, iniulat kahapon.

Iniharap sa mamamahayag ng Police Regional Office 13 (PRO 13- Caraga) ang mga suspek na sina Norberto Liones Jr. at kapatid na si Gerry Liones dahil sa umano’y pananaga at pamamaril sa biktimang si Fr. Dionisio Guingguing, 53, ng Church of Body of Christ sa kanyang farmhouse sa Purok Sunkist, Brgy. Bajao, Tago, Surigao del Sur nitong Oktubre 8.

Sinampahan na ng kasong murder ang magkapatid na Liones sa Provincial Prosecutor’s Office ng Surigao del Sur dahil sa umano’y pagpatay kay Fr. Guing-guing bunsod sa umano’y matinding galit.

Sa report ni PRO13 Director, Chief Supt. Antonio Nanas, kay PNP chief Dir. Gen. Oscar Calderon, paghihiganti ang nakikitang motibo ng pagpaslang sa nasabing lider ng simbahan.

"Vengeance is the motive of the killing," ani Sr. Supt. Alex Edera, ng Surigao del Sur Provincial Police Office base sa kanilang isinagawang pagsisiyasat.

Hindi naman niliwanag ni Edera kung ano ang dahilan sa matinding galit ng magkapatid na akusado upang paslangin ang biktima.

vuukle comment

ALEX EDERA

ANTONIO NANAS

CHIEF SUPT

CHURCH OF BODY OF CHRIST

DIONISIO GUINGGUING

GERRY LIONES

NORBERTO LIONES JR.

OSCAR CALDERON

POLICE REGIONAL OFFICE

PROVINCIAL PROSECUTOR

SURIGAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with