Grade 2 pupil dedo sa manhole
October 14, 2006 | 12:00am
ANGONO, Rizal Posibleng managot ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan maging ang mga opisyal ng barangay ng Angono, Rizal, makaraang mahulog at mamatay ang isang grade 2 pupil sa walang takip na manhole sa Barangay Mahabang Parang ng bayang nabanggit kamakalawa ng hapon.
Ang biktimang hindi na natapos ang pag-aaral ay nakilalang si Edward Banaag ng Sitio Botong ng nasabing barangay.
Ayon kay P/Supt. Francisco Abigan, hepe ng pulisya sa bayan ng Angono, naitala ang insidente dakong alas-4 ng hapon habang naglalakad pauwi ang biktima mula sa eskuwelahan sa kahabaan ng Sitio Botong Francisco.
Nabatid na kakatapos lang ng malakas na ulan at binabagtas ng biktima ang gilid ng kalsada nang bigla itong mahulog sa manhole na walang takip.
Tinangka pang sagipin ng mga nakasaksi sa insidente ang bata, subalit dahil sa may kalaliman ang nasabing manhole at rumaragasang agos ng tubig-baha ay wala na rin silang nagawa.
Nang humupa ang baha makalipas ang ilang oras ay natagpuan ang bangkay ng biktima na nakabara sa isang drainage may 30-metro ang layo sa manhole na pinaghulugan ng bata. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest