Wag protektahan ang mga pekeng mamamahayag Maliksi
October 12, 2006 | 12:00am
TRECE MARTIRES CITY, Cavite Nanawagan si Gob. Ayong S. Maliksi ng Cavite sa mga media rights groups na huwag siyang husgahan sa kanyang pagsasampa ng kasong libelo laban sa tatlong lokal na pahayagan na ayon sa kanya ay nagdulot ng kahihiyan, dumungis sa kanyang pangalan at dignidad at naglayon na alisin ang suporta ng kanyang mga nasasakupan.
"Nananawagan ako sa International Federation of Journalists (IFJ) at sa Committee to Protect Journalists (CPJ) na imbestigahan muna ang kasong isinampa ko laban sa tatlong pahayagan Asianstar Express Balita, Katapat at Peryodiko bago ninyo husgahan ang aking intensyon, sapagkat kung hindi, mangangahulugan lamang na pinoprotektahan ninyo ang mga pekeng mamamahayag", pagbibigay-diin ni Maliksi bilang reaksyon sa pahayag ni IFJ President Christopher Warren na ang pagsasampa ng kasong libelo ng mga opisyal ng pamahalaan ay naglalayong "patahimikin ang mga mamamahayag" matapos ang ginawang pag-aresto sa Asianstar Publisher na si Rudy Apolo noong Lunes.
Ayon kay Maliksi, taliwas sa akusasyon ni Warren, ang kanyang ginawa laban sa tatlong tinatawag niyang "bogus press" ay hindi upang kitilin ang kanilang karapatan sa pamamahayag kundi upang lumitaw ang katotohanan at manaig ang responsableng pamamahayag.
"Naniniwala ako na bawat responsableng mamamahayag ay dapat sumunod sa isang code of ethics. Sa kaso ng tatlong pahayagan, malinaw na nilabag nila ang panuntunang ito sa pagpapalabas ng mga maling impormasyon na walang basehan, paglalathala ng mga testimonya na di man lamang maibigay ang pangalan ng pinagkunan, hindi paglalagay ng pangalan ng sumulat ng artikulo at hindi man lamang ako binigyan ng pagkakataong makapagpahayag ng aking damdamin upang maibigay ang parehong panig", ayon pa kay Maliksi.
"Patunay na tangkang palawakin ang sirkulasyon ng tatlong pahayagan upang sirain ang aking imahe sa publiko ay ang magkakatulad na pagkakalathala ng mga mga istorya, bawat salita, sa tatlong pahayagan, sa kabila ng pagkakaiba ng may-ari" dagdag pa ni Malksi.
"Sa aking paniwala, ang mga may-ari ng tatlong pahayagan ay nagpapagamit sa may hangad na akoy mapatalsik sa pwesto dahil hindi ako naniniwalang kaya nilang ikalat sa buong lalawigan ang kanilang dyaryo gamit ang sariling pondo at walang suporta mula sa mga advertisers sa loob ng dalawang taon na libre. Alam ito ng mga Kabitenyo at lilitaw ang katotohanan sa pagdinig ng mga kaso," pahayag pa ni Maliksi.
Sa kanyang reaksyon naman sa suportang ipinakita ni Rep. Gilbert Remulla ng Ikalawang Distrito at nakababatang kapatid ni Vice Governor Jonvic Remulla, sa tatlong dyaryo na siya ay nalulungkot sa ginawa ni Maliksi na pagsasampa ng kaso sa halip na patunayang siya ay walang kasalanan sa kasong isinampa sa kanya, ang nasabi lamang ng gobernador, "Wag kang magkunwari na hindi mo alam ang katotohanan."

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended