^

Probinsiya

95 dram na pampasabog nasabat

-
CAMP AGUINALDO – Umaabot sa 95 dram ng kemikal na inihahalo sa pampasabog na ginagamit ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang nasabat ng mga intelligence operatives ng militar sa pantalan ng Masbate City, Masbate kahapon ng hapon.

Sa ginanap na press briefing kahapon, sinabi ni AFP Chief of Staff Gen. Hermogenes Esperon Jr., dakong alas-4:30 ng hapon nang masabat ng mga kawal ng 96th Military Intelligence Company (MICO) ng 9th Infantry Division (ID) sa ilalim ng pamumuno ni Lt. Borja, ang 95 dram ng pampasabog sa Masbate City Port.

Nabatid na ang nasabing kargamento ay nakarehistro sa pangalang Jojo Lopez na pinaniniwalaang supplier ng kemikal na pampasabog ng mga rebeldeng komunista.

Napag-alamang nakatanggap ng impormasyon ang intelligence operative ng 96th MICO hinggil sa ibabagsak na dram ng kemikal ng pampasabog sa nasabing pantalan kaya agad na nagsagawa ng operasyon sa nabanggit na lugar.

Dahil sa mabilis na pag-aksyon ng mga sundalo ay napigilan ang trahedyang idudulot at maraming sibilyan at ari-arian ang mapipinsala ng mga terorista.

Karaniwang ginagamit ng mga rebelde ang pampasabog sa pananabotahe kabilang na ang cell site ng Globe Telecom at ang pinasabog na Silay Airport na may kaugnay sa pangingikil ng mga rebelde. (Joy Cantos)

CHIEF OF STAFF GEN

GLOBE TELECOM

INFANTRY DIVISION

JOJO LOPEZ

JOY CANTOS

MASBATE CITY

MASBATE CITY PORT

MILITARY INTELLIGENCE COMPANY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with