Sa ulat na tinanggap kahapon ni PNP chief Director General Oscar Calderon, naganap ang insidente dakong alas-2 ng madaling-araw nitong Linggo.
Base sa imbestigasyon, ang mga rebelde ay nagpanggap na mga miyembro ng Police Regional Mobile Group nang isagawa ang pagsalakay sa construction site ng paliparan sa Brgy. Bagtic ng lungsod.
Nabatid na walang nagawa ang mga guwardiya dito matapos na sunugin ng mga rebelde ang powerhouse ng Japanese contractor na Takenaka at ang computer boxing plant equiptment ng Korean contractor na Han Jin.
"This will delay the construction work because the damaged part was a vital part of the construction," pahayag ni Supt. Celestino Guara, hepe ng Silay City Police.
Ayon sa opisyal ang international airport sa kanilang lungsod ay isa sa mga infrastructure projects ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na ipinangako nito sa kanyang State of the Nation Address (SONA) nitong nakalipas na buwan ng Hulyo.
Sinisi naman ni Guara sa insidente ang nasabing Korean contractor dahil sa pagtanggi nito na guwardiyahan ng mga pulis ang isinasagawang konstruksyon ng paliparan na binabantayan lamang ng ilang mga security guards.
"We suspect the New Peoples Army (NPA) members burned the site because their demand for revolutionary taxes was not met. The NPA had been demanding revolutionary taxes since construction work started," ayon pa sa opisyal.
Nagsasagawa na ng hot pursuit operations ang mga elemento ng militar at pulisya laban sa grupo ng mga nanabotaheng rebelde.