^

Probinsiya

Tiyuhin kinatay ng pamangkin

-
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City –Pinagtataga hanggang sa mapatay ang isang 48-anyos na mister ng kanyang pamangking lalaki habang nakikipag-inuman ng alak sa kasalan sa Sitio Santol, Barangay Sta. Teresita, Iriga City kamakalawa ng gabi. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Heriberto Sanlay, samantalang sumuko naman ang suspek na si Francisco Decepeda na kapwa residente ng nabanggit na barangay. Ayon sa tagapagsiyasat, magkasamang nag-iinuman ng alak sa kasalan ang dalawa at ilang bisita nang magtalo ang magtiyuhin. Agad na umalis sa grupo ang suspek at nang bumalik ay pinagtataga na ang biktima sa harap mismo ng mga bisita. (Ed Casulla)
Dalagita ni-rape ng ex-sundalo
CAMARINES NORTE — Kalaboso ang binagsakan ng dating sundalo ng AFP makaraang ireklamo sa kasong rape laban sa isang 14-anyos na dalagang may kapansanan sa pag-iisip sa Purok 1, Barangay Camambugan, Daet, Camarines Norte kamakalawa. Pormal na kinasuhan ng ama ng biktima ang suspek na si Ramon Saavedra, 46. Napag-alamang pinakain muna ng suspek ang biktima sa pamilihang bayan ng Daet saka isinakay sa traysikel patungo sa nabanggit na barangay. Agad namang natunton ang pinagdalhan sa biktima matapos na kilalanin ng ilang nakakita sa suspek na kasama ang biktima sa traysikel. Pinabulaanan naman ng suspek ang akusasyon ng ama ng biktima. (Francis Elevado)

BARANGAY CAMAMBUGAN

BARANGAY STA

BIKTIMA

CAMARINES NORTE

DAET

ED CASULLA

FRANCIS ELEVADO

FRANCISCO DECEPEDA

HERIBERTO SANLAY

IRIGA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with