Militanteng nawala noong 2002, nadiskubreng kalansay
October 7, 2006 | 12:00am
SAN JOSE CITY, Nueva Ecija Magkatuwang na nahukay ng militar at pulisya ang bangkay ng isang mag-aaral mula sa Central Luzon State University (CLSU) na miyembro ng League of Filipino Students (LFS) na ibinaon noon pang 2002, sa matarik na bundok na sakop ng Barangay Kaliwanagan ng nabanggit na lungsod, Biyernes ng umaga.
Sa pamamagitan ng suot na underwear, positibong kinilala ni Mrs. Tarcilla Ramos, 50, ng Cabanatuan City, na sa kanyang anak nga ang nahukay na mga labi na nakilalang si Kathlyn Ramos, 19, ng ito ay mawala.
Ayon sa ina, umalis ang biktima sa kanilang bahay noong Oktubre 13, 2002 at mula noon ay hindi na nakabalik pa.
Sa tulong ng isang dating rebeldeng New Peoples Army (NPA) na sumuko sa pamahalaan, pinarusahan ng kamatayan ng NPA ang biktima dahil sa paniniwalang secret agent ito ng gobyerno at ang bangkay ay kanilang ibinaon sa naturang bundok.
Tanggap na ng pamilya Ramos ang kinasapitan ni Kathlyn at tanging hiling nila ay makonsensya at maparusahan ang NPA sa hindi makataong ginawa laban sa biktima. (Christian Ryan Sta. Ana)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended