^

Probinsiya

5 ‘sinalvage’ natagpuan

-
CAMP CRAME – Limang bangkay na pinaniniwalaang biktima ng summary execution ang natagpuan ng mga awtoridad sa magkakahiwalay na bayan ng Victoria, Tarlac at Guimba, Nueva Ecija kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ni Police Regional Office (PRO) 3 Director Chief Supt. Ismael Rafanan, ang mga biktima na sina Jenny Agpas y Dadulla ng Tandag, Surigao; Aileen Alib y Gallardo ng Barangay Paginag, Balagtas, Bulacan; Isidro Marzan y Francisco ng Gapan, Nueva Ecija; Nelson Guillen y Pelonia ng Barangay San Nicolas, Gapan, Nueva Ecija; at si Felix Galinzaga y Cocillo ng Pasay City.

Napag-alamang sina Agpas, Alib at Galinzaga na pawang may mga tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay natagpuan sa liblib na bahagi ng bayan ng Guimba, Nueva Ecija, samantalang sina Marzan at si Guillen naman ay natagpuan sa bayan ng Victoria, Tarlac.

Narekober naman ng pulisya ang inabandong L-300 van sa kalagitnaan ng nasabing lugar kung saan itinapon ang bangkay ng mga biktima.

Nabatid na ilang concerned citizen ang tumawag kahapon ng umaga sa himpilan ng pulisya at ipinagbigay-alam ang nadiskubreng mga bangkay.

Blangko pa rin ang mga awtoridad sa tunay na motibo ng pamamaslang at isa sa mga tinututukang anggulo ay kung may kaugnayan sa bawal na gamot. (Joy Cantos)

AILEEN ALIB

BARANGAY PAGINAG

BARANGAY SAN NICOLAS

DIRECTOR CHIEF SUPT

FELIX GALINZAGA

GAPAN

GUIMBA

ISIDRO MARZAN

ISMAEL RAFANAN

NUEVA ECIJA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with