Gym instructor dinedo ng militar
October 6, 2006 | 12:00am
MALOLOS CITY, Bulacan Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 30-anyos na gym instructor ng mga sundalo ng Phil. Army makaraang hindi huminto ang motorsiklong sinasakyan ng biktima sa Barangay Balayong, Malolos City, Bulacan noong Martes ng gabi.
Ang biktimang nagtamo ng maraming tama ng bala ng baril sa katawan ay nakilalang si Dennis Novilla ng nabanggit na barangay.
Ayon sa tagapagsiyasat, bago maganap ang insidente, nag-away ang biktima at ang asawa nito, kayat umalis ito ng bahay at nakipag-inuman sa mga kaibigan.
Matapos makipag-inuman ay nakaaway at tinutukan ng baril ni Novilla si Ronald Marcelino sa hindi nabatid na dahilan.
Dahil dito, nagpasama si Marcelino sa kanyang mga kaibigan upang magreklamo sa kinauukulan, subalit habang patungo sa himpilan ng pulisya nakasalubong nila ang pangkat ng mga sundalo na nagsasagawa ng routine patrol kaya dito na sila nagsumbong.
Ayon kay Col. Gerard Velez ng 3rd Infantry Battalion ng Phil. Army, nasalubong ng kanyang mga tauhan si Novilla sakay ng motorsiklo kaya tinangkang parahin, subalit hindi huminto kayat nagpaputok sila ng warning shot.
Base sa salaysay ng mga sundalo, tumigil si Novilla may ilang dipa ang layo sa mga sundalo at akmang dudukot ng baril kaya inunahan ng mga kawal na paputukan. Nakarekober naman ang pulisya ng isang 9mm pistol mula kay Novilla. (Dino Balabo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended