^

Probinsiya

3 bata patay, 19 grabe sa seafoods

- Nina Joy Cantos At Ed Casulla -
CAMP CRAME – Nagwakas ang magandang kinabukasan ng tatlong bata makaraang salubungin ni kamatayan dahil sa kinaing kontaminadong laman dagat habang 19 pa ang nasa kritikal na kalagayan sa Sorsogon City, ayon sa ulat kahapon.

Batay sa ulat ni Noel Pura, executive director ng Sorsogon Provincial Disaster Coordinating Center sa ilalim ng Office of Civil Defense, kinilala ang mga nasawi na sina May Janer, 5, ng Barangay Pamurayan; Lovely Janoras, 1, ng Barangay Cambulaga; at Joshua Aguirre, 7, ng Barangay Rizal na halos magkakasunod na araw na namatay.

Si Janer ay naubusan ng tubig sa katawan bago tuluyang bumigay noong Linggo (Oktubre 1) habang ang dalawa pa ay noong Miyerkules (Oktubre 4) habang ginagamot sa Sorsogon Provincial Hospital

Samantala, aabot naman sa labinsiyam na iba pa ang patuloy na inoobserbahan sa nabanggit na ospital

Ayon kay Pura, ang mga biktima ay nalason matapos kumain ng kontaminadong tahong, talaba at alimasag may ilang araw na ang nakalipas.

Nabatid na ang mga biktima ay nakaranas ng pagsusuka, pagkahilo, paninikip ng dibdib at pananakit ng ulo kaya agad na dinala sa nasabing ospital.

Sa kasalukuyan ay sinusuri ng pamunuan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang mga laman dagat na kontaminado ng red tide.

Nagpalabas na ng advisory ang Sorsogon Provincial Health Department na pansamantalang iwasan ang pagkain ng laman dagat partikular na ang talaba, tahong, alimasag at talangka.

BARANGAY CAMBULAGA

BARANGAY PAMURAYAN

BARANGAY RIZAL

BUREAU OF FISHERIES AND AQUATIC RESOURCES

JOSHUA AGUIRRE

LOVELY JANORAS

MAY JANER

NOEL PURA

OFFICE OF CIVIL DEFENSE

OKTUBRE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with