Karpintero, nag-amok sa lamayan; 7 grabe
October 5, 2006 | 12:00am
ROXAS, Isabela Pitong miyembro ng pamilya na nagluluksa sa pagkamatay ng kanilang kapamilya ang malubhang nasugatan makaraang mag-amok ang isang karpintero na nakilamay din sa kanila sa Barangay Vira, Roxas, Isabela, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.
Kabilang sa mga biktimang nasa ospital ay sina Benefer Lintao, 23; Aida Castaneda, 49; Emily Lintao, 44; Regielyn Lintao, 40; Josie Nair Lintao, 53; Rubella Lintao, 53; at Froilan Lintao, 51, pawang mga magkakamag-anak na naglalamay sa pagkamatay ng kanilang kapamilya na si Servillano Lintao.
Sa ulat ng pulisya, dumating ang suspek na si Gil Quilban, 26, sa tahanan ng mga Lintao upang makilamay, subalit nagulat na lamang ang iba pang nakilamay nang isa-isang pagsasaksakin ng suspek ang mga biktima.
Mabilis na tumakas ang suspek matapos ang insidente, subalit agad siyang nakorner ng pulisya hanggang sa manlaban kayat nabaril at napatay.
Lumalabas sa record ng pulisya na may naitalang kaso ng iba pang pananaksak ang suspek kung kayat marahil ay natakot itong sumuko sa mga awtoridad. (Victor Martin)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended