"Anak, ayaw gad hito pagkinaruyag nga engkanto. Dire ito naton hiya kapareho" (Anak, huwag ka magkakagusto sa engkanto na iyan. Hindi natin siya kauri), maluha-luhang pakiusap ng kanyang ina. Subalit hindi iyon inalintana ni Ana nagkakamali sila, hindi engkanto si Jerico bulag lamang sila upang hindi makita ang kakisigan nito. Mahal niya si Jerico, iyon ang tanging alam niya kaya nagpasya siya na sa pagbabalik ni Jerico ay sasama na siya dito.
Madalas siyang dinadalaw nito sa tuwing siyay matutulog. Ginigising siya nito, minsan hinaharana. "Upod na ha akon" (Sumama ka na sa akin). Alam niya hindi siya mabubuhay kung wala si Jerico kaya sasama siya dito. Tamang-tama tulog ang kanyang mga bantay. Mabilis siyang binuhat ni Jerico at akmang tatalon na ito sa bintana ay nagising ang kanyang ina.
"Diyos ko! Buligi nyo tak anak nalutaw ha hangin tak anak" (Diyos ko! Tulungan nyo ang anak ko nakalutang sa hangin ang anak ko), sukat doon ay nagising ang manaram (albularyo). Kaagad nitong winisikan ng lana si Jerico na siyang dahilan upang itoy magtatakbo at hindi na bumalik pa.
Nasa ikatlong taon na ngayon si Ana sa kanyang kurso na Engineering. Malimit siyang sumali sa mga beauty pageant sa Samar partikular sa kanilang bayan sa Calbiga at minsan habang siyay nasa stage at rumarampa ay nakita niya ito sa likod ng mga judges, nakangiti subalit naroon pa rin ang lungkot sa mga mata nito. Gusto niya itong lapitan subalit nanaig ang kanyang takot sa manaram (albularyo) na nasa tabi ng kanyang ina na nanunuod din sa contest. Kaylan nga ba mabibigyan ng katuparan ang kanilang pag-iibigan ni Jerico? (Kuwento ng isang 20-anyos na beauty titlist ng Barangay Polangi, Calbiga, Samar)